Wednesday, September 5, 2012

Tagalog mode muna.

USAPANG DSPC.

Mag-iisang taon na din matapos ako italaga bilang Layout Editor ng aming pahayagan, ang Delikasis. Simula nung nagbago ang adviser ng aming pahayagan, nag-iba din ang daloy ng aking buhay sa Delikasis. Kung tutuusin, dati ako ay isang hamak na kontribyutor na walang kaalam-alam tungkol sa isang dyaryo. Ngayon, hindi ko din malaman ang dahilan ngunit ako agad ang kinuha para ilaban sa DSPC o Division School Press Conference, para sa akin isa itong malaking pagsubok sapagkat bibihira akong magkaroon ng ganitong pagkakataon lalo na't ako'y walang karanasan at baguhan na kailangan mong ipaglaban at ipagmalaki ang iyong paaralan. Ako nga ay nahihiya pa sa iba ko pang kasama sa Delikasis na may karanasan na samantalang sa ibang aspeto tulad ng pagsulat ng balita, pagsulat ng lathalain ay ginagawan pa ng pagsusuri ng aking minamahal na tagapayo na si, Gng Bulaong. Sa kabila ng lahat, ako nama'y sabik din sapagkat pinangarap ko din makasama sa ganitong patimpalak kaya hindi ako nagreklamo at agad-agad akong nasiyahan!


Kahit papaano.. pinaghahandaan ko rin itong pagsubok na ito.

Mga dapat tandaan.. pinagsama-sama ko na lahat ng natutunan ko sa lahat ng nabasa ko.. Online man o hindi:

~ No edits.. No photoshop, Pure Photojournalism.
~ Makinig sa gustong makita ng judges
~ Dapat nagpapakita ito ng kwento
~ Gumamit ng Natural Frames, lightings at shadows ay dapat din pansinin.
~ Quality ng Photo
~ Pagkakaugnay sa Tema
~ Magandang captions
~ 3M's ko sa Layout.. Maayos. Malinis. Maiintindihan
~ broad marker for borders. Pencil for a start.
~ Rules of Thirds
~ Avoid blurry pics
~ Kausapin mo din yung subjects mo para mas maging comfortable sila
~ Maging malikhain sa mga angulo
~ Is it worth looking? Extraordinary? EXACTLY.
~ Always bring paper and ballpen for ideas.
~ Capture emotions.

Gusto ko din sana malaman kung ano ipapayo sa akin sana ni Kuya/Ate Genowine.. Kaso binagyo nung Seminar namin... kaya nahuli ako ng dating, nanghihinayang ako ngunit kaya ko ito!

Bukas naman mag-aaral pa ako ng husto.. Ilang araw nalang bago mag PRESSCON.

No comments:

Post a Comment